Reaksyong Papel tungkol sa "Minsan may Isang Doktor"

      Ang “Minsang May Isang Doktor " ay isinalin ni Rolando A. Bernales.Sa akdang ito ay naglalaman ng buhay at sakripisyo ng isang doktor na may hinaharap na mga pagsubok sa kanyang propesyon at personal na buhay.Sa reaksyong papel na ito ay aking tatalakayin ang aking pananaw at saloobin tungkol sa temang inilahad sa akda.


       Ang kwento ay umiikot sa buhay ng isang Doktor na masipag at nakatuon sa kanyang propesyon.Ang isang Doktor na kung saan ay walang humpay sa pagtratrabaho sa kabila ng personal na problema na kanyang hinaharap .Sa matindi niyang dedikasyon sa kanyang propesyon ay madalas niyang naisintabi ang kanyang sariling pangangailangan at ang kanyang pamilya.Isa sa mga pangunahing tema ng kwento ay ang sakripisyo at dedikasyon ng Isang propesyunal.Ang karakter ng Doktor ay nagbibigay ng katibayan at pagpupunyagi sa kabila ng kanyang personal na pinagdadaan.Pinapakita ng kanyang karakter ang kahalagahan ng malasakit at dedikasyon, hindi lamang sa pisikal na kalusugan ng mga tao kundi pati na rin sa moralidad ng kanyang mga pasyente.           
 
      Sa kabuuan, ang "Minsan May Isang Doktor" isang inpirasyonal na kwento na nagtuturo ng mahalagang aral kung paanong ang bawat hakbang sa buhay ay may kahihinatnan.Isang paalala na dapat nating igalang at suportahan ang mga taong handang magsakripisyo para sa kalusugan at kabutihan ng iba.
            
       
 Ang "Minsang may Isang Doktor"ay isinalin ni Rolando A. Bernales.(Bernales, et al., pp.23-25).